Ask me anything

Walks and thoughts.....
A piece of ordinary life

Lex Echano II "Antukin"
Delivery Boy

Yung ginagawa mo kahit yung mga bagay na di mo naman kailangan gawin…
Tas mag rereklamo ka na ang dami dami mong ginagawa!!

8 months ago
0 notes

Saying that we have no room for error is like saying we have no space for improvement.
Who knows it all? And who will dare to accept a new experience w/ pressure not to commit mistake.
The only person who can guarantee no mistake is the one who doesn’t do anything at all.
Perfection is never Attainable. A in S.M.A.R.T goal means Attainable not Aideal.

11 months ago
0 notes

My Secret Housemate

Akala ko talaga, solo ko itong studio type room na toh.  Nagulat nalang ako may kasama pala akong iba.

Bihira lang ako maka encounter ng suspense sa totoong buhay.  

At ewan ko ba, nung nagwish ako bago matulog na maiba naman ang bukas ko, eh binigyan ako ng unexpected housemate.

7:30 na at ready na ko pumasok sa office.  Naka polo na, nakasinturon na… Eye-glasses nalang ang kulang…

Ayon, habang nagsusuot na ko ng medyas ay naisipan ko ng buksan ang pinto. Sa pagkagulat ko (taas lahat ng balahibo)…

Mula sa ilalim ng aking dishwashing area, 

isang di kaliitan pero di rin kahabaang ahas ang mabilis na kumaripas papunta sa ilalim ng aking japanese type bed (aka Foam sa sahig).

Nakakita na ko ng multo sa likod ko sa harap ng salamin.  Nakakita na ko ng multo sa taas ng puno… nakakatakot… pero ang makakita ng ahas…

ayun ang mas kinatatakutan ko…

Ung feeling na nanghihina ka sa takot….

Sa pagkakaalam kong ang ahas ay nasa ilalim ng japanese type bed ko - na may gulo gulong mamahaling comforter, dahan-dahan akong lumapit (with kitchen knife) para maabot ang eye-glasses ko.

Mahirap, kasi sa isip ko, sobrang bilis ng ahas at kakaripas sa akin at medyo malabo pa ang mata ko para makita kung asan na ba ung ahas.  Pero pinilit ko pa ring maabot ang eye-glasses ko..

Katabi nun ang susi ng bahay at ang wallet ko na may more than 100K worth na laman.

Nagawa kong makalabas ng ligtas at kinulong ang ahas sa loob ng aking kwarto.

Pagbaba ko ay sarado pa ang bahay ng may-ari ng bahay… kaya dumiretso nalang ako para pumasok sa trabaho… wew…

(Working hours……..)

At ng dumating ang tanghali, nagpaalam ako na mag ha halfday. Hindi ko kasi alam kung paano gagawin ko pag gabi ako umuwi. Dagdag takot dahil madilim na.

Nagdadalwang isip pa ko pumasok sa bahay.  Ang daming pumapasok sa isip ko… Na pagbukas ng pinto may tutuklaw na sakin… o dumami na ung ahas na nasa loob… minsan naiinis na ko sa isip ko… mas lalo ako tinatakot.

Pero syempre dapat brave. So kinain ko muna ung takot ko at pumasok sa loob ng bahay.

Di ko muna mahubad ang sapatos q., sa isip ko dagdag depensa pa ang sapatos q laban sa ahas.

Binuksan ko lang pinto, pati ang bintana…

At naupo muna ako saglit sa tabi ng pinto.

Pinagpapamasdan ko bawat sulok ng bahay kung saan may gagalaw.  Mga ilang minuto rin siguro un hanggang sa naisipan ko ng mag search to kill mission.  Kinuha ko ang walis tambo. Brave.

Sinimulan ko sa Shoe rack ko malapit sa pinto. Wala.

Sinunod ko ang trash bin, wala rin.

Sa ilalim ng dishwashing area.  Wala pa rin.

Ayon, oras na para silipin ang ilalim ng japanese bed.

Inuna ko sungkitin ang mga unan.  Wala sa loob ng punda.

Sinunod ko ang comforter, sunod ang kumot.  Wala pa rin.

Dahan-dahan kong inangat ang japanese bed, nakakakaba. Kasi 1 kamay lang gamit ko sa pag angat. So 1 kamay lang magagamit ko para sa offense/defense.

Hanggang sa tuluyan ko ng maitayo ang japanese bed sa pagkakalatag.  Pero wala ako nakitang ahas.

Biglang nagbukas ang bahay ng may-ari ng bahay kaya naisipan ko ng huminge ng tulong.

Ang sabi ko “May nakita po akong ahas sa loob ng kwarto”

tanong nya “Gaano kalaki?”

Tinuro ko simula siko ko hanggang sa mga daliri.  Sagot nya, “Ganyan din kalaki ung ahas na napatay ko dati”

Sabay kuha ng long aluminum spear with hook (aka pangsungkit ng sinampay) at sinamahan ako pataas ng kwarto.

Dagdag pa nya, “ahas bahay un at isang pukpok lang dun patay na yon…at takot naman ang mga ahas sa tao”

Sagot ko lang, “Ewan ko po, basta ako takot sa ahas”

Ayon, sinilip nya ang kwarto, nakita nya may mga butas sa kahoy na sahig.  Sabi nya “Malamang dito na pumasok un”

May butas din sa kisame, bilog. Parang sakto para sa ahas.

Pero wala pang 5minutes binigay nya na sakin ang aluminum spear at bumaba na sya.

Sabi nya “Pagnakita mo na sabihan mo ko at ilalagay natin sa sako”.

At naiwan na ko mag isa sa kwarto.

Inisa isa ko ng ilabas ung mga malalaking plastics na punong puno ng magugulong gamit ko.

At sa huli., wala akong nakitang ahas…

Hanggang ngayon di ako mapalagay… parang konting ingay lang, napapalingon na ko kung saan- saang banda.

Nakakatakot pa rin… Lalo na’t hindi namin nakita.

Kahit sabihin nila na “baka nakalabas na…” ibig sabihin, kahit anung oras pwede ako pasukin ng ahas dito sa bahay.

Ung isa nag sabi, “baka namalikmata lang ako”… Wala man akong clear vision during that time, meron naman akong clear mind at alam ko kung paanu gumalaw ang ahas.

Iniisip ko, gaano katagal na kaya andito sa loob ng bahay ung ahas na yon.  Ibig sabihin nakatulog ako magdamag na may kasamang ahas sa bahay.

Nakakatakot dahil baka magising ako sa tuklaw ng ahas… o hindi na ko magising dahil sa tuklaw ng ahas….

Kaya eto, hanap ng malilipatan…. pero under contract pa rin ako dito. At sinimulan ko na maghanap sa net ng malilipatan… wala pa kong nakita…

Gaano katagal pa kaya ako makaka stay dito…. ng humihinga…

Ang hirap kapag my secret housemate….

1 year ago
0 notes

Nung may pagkakataon, sabi mo sa sarili mo… hindi ka pa handa.

Ngayong handa ka na, ang pagkakataon naman ang hindi handa para sayo.

Ung feeling na…
May mga bagay kang kailangang bitawan…para sa mga bagay na kailangan mong suportahan.
At may bagong pagsubok ka na haharapin… na kahit di mo sigurado kung kaya mo… kailangan.

11 months ago
0 notes

Paano mo mararamdamang special ka,
Kung mismong ikaw, kawawa tingin mo sa sarili mo.
Wag mo tingnan mga kakulangan na sa isip mo dapat meron ka…
Sana naman ma appreciate mo mga bagay na ibinibigay sayo, na pwede naman sanang ibinigay nalang sa iba.

Kung gusto mo talagang maging masaya,
Huwag ka mag expect ng sobra!

11 months ago
0 notes

meron tayong mga bagay na gustong gawin…meron din namang mga kailangan gawin…
minsan talaga, dumadating ung pagkakataon na kailangan natin isantabi ung mga gusto nating gawin para sa mga bagay na kailangan natin gawin….

Silhouette of Lovers

Silhouette of Lovers

1 year ago
1 note